Simula ng nakilala kita madami nagbago sa buhay ko.
Hindi ko inaasahan bibigay ka ng Diyos sa akin.
Matagal ko na hinihiling makita ko na ideal guy ko.
Akala ko hindi na matutupad yun.
Mali pala ako ng akala.
Masaya ako dahil sa dami dami ko puwede makilala ikaw binigay sa akin ng maykapal.
Sobra ako nagpapasalamat na hindi ka nawala sa buhay ko simula ng umpisa.
Pero simubok tayo ng tadhana para tayo dumadaan sa butas ng karayom.
Pero nalagpasan natin yun lahat ng magkasama.
Salamat hindi ka sumuko.
Yung una hindi pa ko handa kung ano haharapin natin sa buhay.
Nagtiwala lang ako sa maykapal at gabayan din tayo palagi.
Natupad lahat ng panalangin ko binigay sa akin mabait at masipag na asawa.
Salamat sa lahat ng sakripisyo mo mahal ko.
Huwag ka sana magsawa sa amin.
Ikaw ang matagal ko na hinahantay.
Hindi pa huli ang lahat nabigay yun sa akin.
Kaya masayang masaya ako dahil mahal ako ng Diyos hindi ako pinabayaan.
Wala nako mahihiling pa kuntento nako kung ano meron ako ngayon.
Masasabi ko na may sarili nako pamilya na matutring ko na sa akin.
Iingatan ko yun mabuti.
Comments
Post a Comment