Skip to main content

Iba na, kapag naging magulang kana

 Sabi nga ng iba hindi mo maiintindihan magulang mo kapag hindi ka naging magulang.
Madami kana iisipin hindi lang sarili mo.
Ganun siguro talaga automatic mababago pananaw mo sa buhay kapag magulang kana.
Madami ka pangarap sa anak mo, Gagawin mo kahit alam mo hindi mo kaya

Gagawin mo ang mga bagay bagay na hindi mo akalain magagawa mo.
Kahit minsan may pagdududa tayo sa sarili natin kung kaya ba talaga natin o hindi.
Pero gusto pa din natin gawin hindi para sa sarili natin.
Para sa anak natin dahil sila inspirasyon natin.

Nagiging malawak na iniisip natin, nagiging malawak na mga gusto natin abutin.
Minsan kung puwede lang pabagalin ang oras para hindi agad lumaki anak natin.
Para mayakap pa din natin mahikpit at nandyan sa tabi natin palagi.
Pero alam naman natin hindi mangyayari yun.

Mabilis ang oras, panahon, taon at pagkakataon.
Kaya ngayon pa lang dapat nagsusumikap na tayo habang kaya natin, habang malakas pa.
Dahil hindi natin alam ang buhay hindi natin alam ang haharapan ng mga anak natin 
Gusto natin paghandaan kinabukasan nila, hanggang sa takdang panahon na kaya na nila magisa

Madami tayo pangarap na gusto matupad sa anak natin.
Madami tayo hinihiling na makamit nila.
Ganun siguro talaga kapag magulang na madami pagbabago sa sarili mo.
Nagiging emosyonal na din tayo lalo na sa nanay. 
Ewan ko ba simula naging nanay ako mabilis ako maiyak, madala at maawa sa ibang tao.

Masaya ako dahil nararanasan ko ito lahat 
Masarap sa pakiramdam maging magulang pero may halo din lungkot at pagod.
Dahil hindi mo na mababalik ang dating ikaw na hawak mo oras mo, sarili mo lang iniintindi mo.
Wala ka pakialam sa ibang bagay kabaliktaran yun kapag magulang kana.
Sabi nga nila makakabayad ka daw sa nanay natin kapag naging nanay ka na din.
Sa totoo lang tama yun kasabihan na yun. 
Nararanasan ko na ngayon.


Comments

Popular posts from this blog

Masaya , Maganda ang tatahakin na landas

                                                                Masaya, maganda                                                                 Pero minsan malungkot ang buhay                                                          ...

Ikaw ang matagal ko na hinahantay

 Simula ng nakilala kita madami nagbago sa buhay ko. Hindi ko inaasahan bibigay ka ng Diyos sa akin. Matagal ko na hinihiling makita ko na ideal guy ko. Akala ko hindi na matutupad yun. Mali pala ako ng akala.   Masaya ako dahil sa dami dami ko puwede makilala ikaw binigay sa akin ng maykapal. Sobra ako nagpapasalamat na hindi ka nawala sa buhay ko simula ng umpisa. Pero simubok tayo ng tadhana para tayo dumadaan sa butas ng karayom. Pero nalagpasan natin yun lahat ng magkasama. Salamat hindi ka sumuko.   Yung una hindi pa ko handa kung ano haharapin natin sa buhay. Nagtiwala lang ako sa maykapal at gabayan din tayo palagi. Natupad lahat ng panalangin ko binigay sa akin mabait at masipag na asawa. Salamat sa lahat ng sakripisyo mo mahal ko. Huwag ka sana magsawa sa amin.   Ikaw ang matagal ko na hinahantay. Hindi pa huli ang lahat nabigay yun sa akin. Kaya masayang masaya ako dahil mahal ako ng Diyos hindi ako pinabayaan.   Wala nako mahihiling pa kuntento nako ...

Sa dibdib ko’y bumabalong ang sakit at panghihinayang

  Masakit. Makirot. Nalalabo ang guniguni, habang umiikot ang mundo’t itinatawid ang ating pag-ibig na wari’y isang aninong pilit umiilag sa sarili. Tinawag na kitang “kabiyak,” matagal kitang pinanindigan, ngunit ang pagitan natin ay tila bangin ng kawalang hanggan. Sa bawat katagang lumalabas sa iyong labi ako’y nagkakabiyak, sumisilip ang mga aninong ‘di mo pa nasisilip sa aking salamin. Nagiging mahigpit ang aking bisig, nagiging marupok ang aking laman, tila pusong naliligaw sa ulap ng usok at alon ng ulan. Kakadurog ng damdamin, wari’y nag-iisa sa gitna ng unos, pakiramdam ko’y wala akong katuwang sa pagdaraos. Sinasabi mong nagbago ako, nasasakal ka— di ko man inakala, buong akala ko’y kilala mo na ako, buo, wagas, at walang kapantay na pagkatao. Ngunit ito ang hubad na katotohanan— kahit asawa, kahit kapiling, may mga lihim pang natutuklasan. Kahit sabay tumitibok ang ating mga puso’t paghinga, may mga silid at anino pa ring ‘di natin kilala. Kay rami kon...