Hindi ko alam kung normal na lang ba na kailangan mo masanay sa ugali. O dahil sa matagal na kayo kaya parang pakiramdam mo nababawasan ang pagsuyo at pagpansin sa namamaling gawain. Minsan hindi ko maintindihan ko bakit kailangan maging ganun ang nadarama at sitwasyon o sadyang sensitibo ang nadarama. Mahirap magpigil o manahimik sa sulok tuwing ganito ang sitwasyon. kailangan na lang ba baliwalain o sabihin ang pighati sa puso. Minsan mahirap tanggapin na ganito pakiramdam ko. Kung bakit kailangan humantong sa ganito. Maraming katanungan sa puso ko. Minsan mas mabuti na manahimik at itulog na lang kaysa magsalita at wala naman matino sasabihin. Pero sa totoo lang mapapagod ka din intindihin pagiging makasarili.