Alam ko mga bagay panandalian lang
Panandalian lang ang saya, lungkot, kahidwatian.
Madami unos ang sasapitin upang tayo'y matuto sa pagkakamali sa buhay.
Lahat ng bagay may hangganan.
Panahon lang ang makakapagsabi nito
Nang dahil sa mga pagkakataon na sadyang mahirap ipilit
kahit gustuhin man natin.
Sadyang mapaglaro ang tadhana.
Pasasayahin ka muna nito'y ng panandalian
Tapos ipapakita, at ipapadama sayo na mali
Mali ang ating nagagawa dahil komplikado
Pero dapat hindi natin tinitignan at naaalala
Mga bagay na nagpapaalala sa atin sa nakaraan.
Dahil mahihirapan tayo umusad sa buhay
kapag naaalala pa natin ito.
Mahihirapan tayo sa una pero
makakasanayan din natin ito sa huli.
Lahat ng bagay may hangganan at panandalian lamang.
Kaya bigyan ng halaga bawat oras, bawat minuto, at
bawat segundo na magkasama kayo.
Nang sa ganun wala tayo pagsisisi sa huli.
Importante naging masaya tayo kahit
panandalian lamang maligaya nako dun.
Comments
Post a Comment