Skip to main content

Posts

Showing posts from March 7, 2021

Huwag magmadali at huwag magsalita ng patapos

Madami sa atin mahilig magsalita ng patapos Mahilig magbitaw ng mga salita na walang kasiduraduhan Mga salita wala pa patunay, hindi pa nakikita ngunit nababangit na ito. Hindi tayo nakakapag-isip padalos dalos tayo Sunod sa agos ng buhay, sunod sa magaganap Ngunit hindi alam kung saan patungo. Karamihan sa atin ingit at nagkukumpara sa mga nakikita Kahit hindi pa handa at hindi pa panahon. Madali tayo magsalita ng patapos Sa huli babawiin din natin ito. O hindi na ito mababalikan pa. Lahat tayo may kanya-kanyang napapagdaanan Nasa atin na lang kung paano natin ito malalagpasan. Huwag magmadali at huwag magsalita ng patapos. May tamang oras at panahon sa bawat isa sa atin.