Madami sa atin mahilig magsalita ng patapos
Mahilig magbitaw ng mga salita na walang kasiduraduhan
Mga salita wala pa patunay, hindi pa nakikita ngunit nababangit na ito.
Hindi tayo nakakapag-isip padalos dalos tayo
Sunod sa agos ng buhay, sunod sa magaganap
Ngunit hindi alam kung saan patungo.
Karamihan sa atin ingit at nagkukumpara sa mga nakikita
Kahit hindi pa handa at hindi pa panahon.
Madali tayo magsalita ng patapos
Sa huli babawiin din natin ito.
O hindi na ito mababalikan pa.
Lahat tayo may kanya-kanyang napapagdaanan
Nasa atin na lang kung paano natin ito malalagpasan.
Huwag magmadali at huwag magsalita ng patapos.
May tamang oras at panahon sa bawat isa sa atin.
Comments
Post a Comment