Masakit sa atin salitang hiwalay
Maraming kahulugan, maraming paliwanag.
Hiwalay dahil nasaktan
Hiwalay dahil napagod
Hiwalay dahil sumuko
Hiwalay dahil may nakita na iba
Hiwalay dahil gusto mapag-isa.
Hindi ibig sabihin hindi minahal
Hindi ibig sabihin hindi naging totoo
Hindi ibig sabihin gusto kalimutan na.
Minsan sa buhay natin kaailangan gawin ito.
Upang makahinga, makapagisip, at mapagisa.
Ngunit hindi ibig sabihin hindi minahal.
Marahil hindi lang kayo nakalaan para sa isa't-isa
Marahil may ibang nakatakda sa inyo at hindi kayo sa isat-isa.
Marahil hindi tugma mga ugali at paniniwala sa buhay.
Sadyang magkaiba kayo.
Pinaranas lang sa inyo na maging kayo.
Pero sa huli hindi kayo nakalaan sa bawat isa.
Kailangan palayain upang matagpuan o ibigay sayo
ng tadhana ang mamahalin mo at nakatakda sayo.
Hindi lang kayo puwede magsama pinagtagpo pero hindi tinadhana
Pinaranas lang sa inyo panandalian mahalin isat- isa ngunit hanggang dito na lang.
Comments
Post a Comment