Mahirap, magulo at madami ako pinagdaanan na akala ko hindi na makakatakas, hindi na makakausad sa bangungungot ng kahapon. Hindi na makakaalis sa masalimuot na pagsubok. Halos ikasira na aking isip, hindi na halos nakakatulog ng normal at palagi malungkot at umiiyak. Ang dalawang magkasunod na taon na peligrong nangyari sa akin halos isumpa ko. Pero ng dumating ka sa buhay ko unti unti ako nakaraos, nakausad at naging masaya ulit. Madami nagbago, madami maganda na nangyari sa akin. Naging masayahin ako, gumaganda bawat araw ko palagi at higit sa lahat sinusuwerte ako sa buhay. Ikaw ang pampasuwerte ko. Simula ng nakilala ka naging maayos direksyon ng buhay ko. Kung ikaw man nakalaan para sa akin. Magiging masaya ako at tatanggapin kita buong buo. Ayoko na mawala ka pa sa akin. Napamahal nako sayo at sana ikaw na makatuluyan ko. Ikaw na talaga hinahanap ko matagal na. Kung ikaw man ang binigay sa akin ng may kapal magiging masaya ako habang buhay.