Minsan hirap ng magkalayo Hindi kayo magkasama, magkaiba ng oras at minsan kinukulang sa oras. Mahirap, malabo minsan gusto mo na sumuko. Pero dahil mahal mo at hinihintay mo kailangan mo magpasensya. Minsan kailangan mo intindihin ang mga bagay bagay Kung ano dahilan ng pagbabago Kailangan habaan ang pasensya kahit nahihirapan na. Magkaiba ng oras, limitado lang ang oras ng paguusap. Minsan kailangan magsakripisyo para sa huli maganda ang resulta Kapag nagtiyatiyaga ka at nagtitiis ka may hanganan din ang lahat. Magiging masaya din sa huli ganun naman talaga ang buhay. Kaya hindi ko magawang sumuko sa atin, hindi ako bibitiw. Kasi alam ko at nararamdaman ko ikaw ang nakalaan na lalaki para sa akin. Ikaw ang binibigay ng may kapal sa akin Kaya sa ngayon kailangan ko tangapin sitwasyon natin. Intindihin sa bawat pagkukulang mo at sa bawat mali o hindi sinasadyang gawin. Mahal kita alam mo yan hindi magbabago yun. Hindi mapapalitan ng iba ang pagmamahal mo sa akin nagiis...