Skip to main content

Posts

Showing posts from June 11, 2023

Ikaw ang matagal ko na hinahantay

 Simula ng nakilala kita madami nagbago sa buhay ko. Hindi ko inaasahan bibigay ka ng Diyos sa akin. Matagal ko na hinihiling makita ko na ideal guy ko. Akala ko hindi na matutupad yun. Mali pala ako ng akala.   Masaya ako dahil sa dami dami ko puwede makilala ikaw binigay sa akin ng maykapal. Sobra ako nagpapasalamat na hindi ka nawala sa buhay ko simula ng umpisa. Pero simubok tayo ng tadhana para tayo dumadaan sa butas ng karayom. Pero nalagpasan natin yun lahat ng magkasama. Salamat hindi ka sumuko.   Yung una hindi pa ko handa kung ano haharapin natin sa buhay. Nagtiwala lang ako sa maykapal at gabayan din tayo palagi. Natupad lahat ng panalangin ko binigay sa akin mabait at masipag na asawa. Salamat sa lahat ng sakripisyo mo mahal ko. Huwag ka sana magsawa sa amin.   Ikaw ang matagal ko na hinahantay. Hindi pa huli ang lahat nabigay yun sa akin. Kaya masayang masaya ako dahil mahal ako ng Diyos hindi ako pinabayaan.   Wala nako mahihiling pa kuntento nako ...

Iba na, kapag naging magulang kana

 Sabi nga ng iba hindi mo maiintindihan magulang mo kapag hindi ka naging magulang. Madami kana iisipin hindi lang sarili mo. Ganun siguro talaga automatic mababago pananaw mo sa buhay kapag magulang kana. Madami ka pangarap sa anak mo, Gagawin mo kahit alam mo hindi mo kaya Gagawin mo ang mga bagay bagay na hindi mo akalain magagawa mo. Kahit minsan may pagdududa tayo sa sarili natin kung kaya ba talaga natin o hindi. Pero gusto pa din natin gawin hindi para sa sarili natin. Para sa anak natin dahil sila inspirasyon natin. Nagiging malawak na iniisip natin, nagiging malawak na mga gusto natin abutin. Minsan kung puwede lang pabagalin ang oras para hindi agad lumaki anak natin. Para mayakap pa din natin mahikpit at nandyan sa tabi natin palagi. Pero alam naman natin hindi mangyayari yun. Mabilis ang oras, panahon, taon at pagkakataon. Kaya ngayon pa lang dapat nagsusumikap na tayo habang kaya natin, habang malakas pa. Dahil hindi natin alam ang buhay hindi natin alam ang haharapan ...