Hindi ko alam kung normal na lang ba na kailangan mo
masanay sa ugali.
O dahil sa matagal na kayo kaya parang pakiramdam
mo nababawasan ang pagsuyo at pagpansin sa namamaling gawain.
Minsan hindi ko maintindihan ko bakit
kailangan maging ganun ang nadarama at sitwasyon o sadyang
sensitibo ang nadarama.
Mahirap magpigil o manahimik sa sulok tuwing ganito ang sitwasyon.
kailangan na lang ba baliwalain o sabihin ang pighati sa puso.
Minsan mahirap tanggapin na ganito pakiramdam ko.
Kung bakit kailangan humantong sa ganito.
Maraming katanungan sa puso ko.
Minsan mas mabuti na manahimik at itulog na lang kaysa
magsalita at wala naman matino sasabihin.
Pero sa totoo lang mapapagod ka din intindihin
pagiging makasarili.
Comments
Post a Comment