Skip to main content

Posts

Showing posts from 2021

Kapag mahal mo kailangan mo magtiis, habaan pasensya magsakripisyo

Minsan hirap ng magkalayo Hindi kayo magkasama, magkaiba ng oras at minsan kinukulang sa oras. Mahirap, malabo minsan gusto mo na sumuko. Pero dahil mahal mo at hinihintay mo kailangan mo magpasensya. Minsan kailangan mo intindihin ang mga bagay bagay  Kung ano dahilan ng pagbabago Kailangan habaan ang pasensya kahit nahihirapan na. Magkaiba ng oras, limitado lang ang oras ng paguusap. Minsan kailangan magsakripisyo para sa huli maganda ang resulta  Kapag nagtiyatiyaga ka at nagtitiis ka may hanganan din ang lahat. Magiging masaya din sa huli ganun naman talaga ang buhay. Kaya hindi ko magawang sumuko sa atin, hindi ako bibitiw. Kasi alam ko at nararamdaman ko ikaw ang nakalaan na lalaki para sa akin. Ikaw ang binibigay ng may kapal sa akin  Kaya sa ngayon kailangan ko tangapin sitwasyon natin. Intindihin sa bawat pagkukulang mo at sa bawat mali o hindi sinasadyang gawin. Mahal kita alam mo yan hindi magbabago yun. Hindi mapapalitan ng iba ang pagmamahal mo sa akin nagiis...

MINSAN HINDI KO NA MAINTINDIHAN MGA BAGAY BAGAY

 Kung minsan mahirap, magulo, hindi maintindihan Kung ano madarama kung ano magiging reaksyon. Kailangan ba sakyan na lang ang agos ng buhay O di kaya pansinin ang agos ng buhay kung hindi tayo kuntento Minsan maayos naman nahahaluan lang ng pangit na pangyayari. Madami nababago sa tuwing magkaiba ng oras, magkasalungat ng mundo naginagalawan higit sa lahat magkaiba ng mundo at kultura. Minsan gusto na sumuko sa mga pagsubok napapanghinaan ng loob. Kinakahiya kahit mahirap dahil wala naman magagawa Kung hindi sakyan lang agos ng buhay. Mahirap wala kasama nagiisa, walang karamay pakiramdam ko napalungkot ng buhay Wala katuwang sa buhay, magisa palagi dahil walang kasama sa pangarap sa buhay. Hanggang kailan ako magtitis sa ganitong sitwasyon minsan nakakapagod na Dami ko na sakripisyo sa buhay hanggang kailan ko dadalhin, papasanin lahat ng ito. Minsan nakakapagod na humarap sa buhay. Minsan nakakapagod na lumaban sa buhay napapagod din ako. Hindi ko lang dinadamdam ang mga bagay p...

MAHALAGA KA SA AKIN BILANG KAIBIGAN

  Para sa akin espesyal ka na tao. Importante ka at mahalaga para sa akin Dati pa simula nakilala kita, bait mo kasi katrabaho. Kaya nga magkasundo tayo. Hanggang ngayon naman mahalaga ka pa din Pinapahalagahan mo kasi pagkakaibigan natin. Nawalan man tayo komunikasyon nabalik pa din. Salamat sa pagkakaibigan pagdadasal ko makita mo ang nakalaan sayo para hindi ka malungkot... Suwerte magkakasama mo kasi mabait ka na tao. Sayang di ako yun pero gaya ng sinasabi may tamang tao nakalaan sa atin. May dahilan lahat ng bagay sa mundo. Kaya ihanda mo lang sarili mo para ng sa ganun Kapag handa kana ibibigay sayo ng may kapal tamang tao para makasama mo. At magiging masaya ka din tulad ko. Mahal kita alam mo yan magkaibigan tayo habang buhay.

Hindi ko inaasahan darating ka sa buhay ko.

  Mahirap, magulo at madami ako pinagdaanan na akala ko hindi na makakatakas, hindi na makakausad sa bangungungot ng kahapon. Hindi na makakaalis sa masalimuot na pagsubok. Halos ikasira na aking isip, hindi na halos nakakatulog ng normal at palagi malungkot at umiiyak. Ang dalawang magkasunod na taon na peligrong nangyari sa akin halos isumpa ko. Pero ng dumating ka sa buhay ko unti unti ako nakaraos, nakausad at naging masaya ulit. Madami nagbago, madami maganda na nangyari sa akin. Naging masayahin ako, gumaganda bawat araw ko palagi at higit sa lahat sinusuwerte ako sa buhay. Ikaw ang pampasuwerte ko. Simula ng nakilala ka naging maayos direksyon ng buhay ko. Kung ikaw man nakalaan para sa akin. Magiging masaya ako at tatanggapin kita buong buo. Ayoko na mawala ka pa sa akin. Napamahal nako sayo at sana ikaw na makatuluyan ko. Ikaw na talaga hinahanap ko matagal na. Kung ikaw man ang binigay sa akin ng may kapal magiging masaya ako habang buhay.

Single but committed by heart

   Single physically but emotionally and mentally committed.  Single for now but I'm happy....  It's better to be single than with someone who doesn't love you right.   Being single is not a problem it can be healthier than living with someone in a dysfunctional relationship. Some people are single because they choose to be Others are single  due to the circumstances of their lives. I'm still single but temporary. Until the time is through. Single for now but not forever. Willing to wait for the right man, right partner  That God will give to me. When the right time comes. Perfect timing will come when I'm ready.

Hindi kita puwedeng mahalin dito sa lupa kaya sa langit na lang tayo magmamahalan

  Kahit gustuhin ko man na sobra kang mahalin hindi puwede dahil may nagmamay-ari na sayo Kahit gustuhin ko man na maamgkin ka  hindi puwede dahil may masasaktan tayo. Kahit gustuhin ko man na lagi ka makasama hindi puwede dahil may naghihintay sayo. Kung alam mo lang kung gaano kita kamahal sobra sobra kita minamahal Pero hindi kita puwedeng mahalin dito sa lupa kaya sa langit na lang kita mamahalin Sa langit na lang tayo magmahalan.

Huwag magmadali at huwag magsalita ng patapos

Madami sa atin mahilig magsalita ng patapos Mahilig magbitaw ng mga salita na walang kasiduraduhan Mga salita wala pa patunay, hindi pa nakikita ngunit nababangit na ito. Hindi tayo nakakapag-isip padalos dalos tayo Sunod sa agos ng buhay, sunod sa magaganap Ngunit hindi alam kung saan patungo. Karamihan sa atin ingit at nagkukumpara sa mga nakikita Kahit hindi pa handa at hindi pa panahon. Madali tayo magsalita ng patapos Sa huli babawiin din natin ito. O hindi na ito mababalikan pa. Lahat tayo may kanya-kanyang napapagdaanan Nasa atin na lang kung paano natin ito malalagpasan. Huwag magmadali at huwag magsalita ng patapos. May tamang oras at panahon sa bawat isa sa atin. 

HIWALAY

  Masakit sa atin salitang hiwalay Maraming kahulugan, maraming paliwanag. Hiwalay dahil nasaktan Hiwalay dahil napagod Hiwalay dahil sumuko Hiwalay dahil may nakita na iba Hiwalay dahil gusto mapag-isa. Hindi ibig sabihin hindi minahal Hindi ibig sabihin hindi naging totoo Hindi ibig sabihin gusto kalimutan na. Minsan sa buhay natin kaailangan gawin ito. Upang makahinga, makapagisip, at mapagisa. Ngunit hindi ibig sabihin hindi minahal. Marahil hindi lang kayo nakalaan para sa isa't-isa Marahil may ibang nakatakda sa inyo at hindi kayo sa isat-isa. Marahil hindi tugma mga ugali at paniniwala sa buhay. Sadyang magkaiba kayo. Pinaranas lang sa inyo na maging kayo. Pero sa huli hindi kayo nakalaan sa bawat isa. Kailangan palayain upang matagpuan o ibigay sayo ng tadhana ang mamahalin mo at nakatakda sayo. Hindi lang kayo puwede magsama pinagtagpo pero hindi tinadhana Pinaranas lang sa inyo panandalian mahalin isat- isa ngunit hanggang dito na lang.