Kung minsan mahirap, magulo, hindi maintindihan
Kung ano madarama kung ano magiging reaksyon.
Kailangan ba sakyan na lang ang agos ng buhay
O di kaya pansinin ang agos ng buhay kung hindi tayo kuntento
Minsan maayos naman nahahaluan lang ng pangit na pangyayari.
Madami nababago sa tuwing magkaiba ng oras, magkasalungat ng mundo
naginagalawan higit sa lahat magkaiba ng mundo at kultura.
Minsan gusto na sumuko sa mga pagsubok napapanghinaan ng loob.
Kinakahiya kahit mahirap dahil wala naman magagawa
Kung hindi sakyan lang agos ng buhay.
Mahirap wala kasama nagiisa, walang karamay pakiramdam ko napalungkot ng buhay
Wala katuwang sa buhay, magisa palagi dahil walang kasama sa pangarap sa buhay.
Hanggang kailan ako magtitis sa ganitong sitwasyon minsan nakakapagod na
Dami ko na sakripisyo sa buhay hanggang kailan ko dadalhin, papasanin lahat ng ito.
Minsan nakakapagod na humarap sa buhay.
Minsan nakakapagod na lumaban sa buhay napapagod din ako.
Hindi ko lang dinadamdam ang mga bagay pero sa totoo lang mahirap.
Pagod nako minsan maghintay, umaasa kasi parang walang katapusan sakripisyo
Minsan gusto ko na tanungin sarili ko kung ano kulang ano mali sa akin.
Ako ba talaga may pagkukulang o sila.
Kasi nagpapakabuti ka bilang tao pero wala pa din ang hinihiling.
Kakapagod din umasa na isang araw puro saya naman mararanasan ko wala na paghihirap.
Dahil gusto ko din sumaya.
Comments
Post a Comment